I recently
heard about the famous book turned movie “Bakit
Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?” by our one and only fellowman, Ramon Bautista,
who was known for his wit and humor. I have neither read nor watched it, but it
gave me curiosity. I promised myself to pay attention to it someday.
One fine
evening, while having a drink with some colleagues, in one corner, as I was
feeling intoxicated by alcohol, I asked myself, “bakit hindi ko nalang crush yung may crush sakin?”. I wonder, do
we, Filipinos have to be always negative? Do we need to look on the darker side
of the shell than on the brighter one?
Wait a
minute, it feels wrong to write it in English… What if… Okay, let me use our
own language.
Bakit Hindi
Ka Crush ng Crush Mo? – Negative. Hindi ko sinasabi na mali si Ramon Bautista,
o pinapasama niya lang ang saloobin natin. Naisip ko lang naman, bilang isang
mausisang mamamayan ng Pilipinas, Bakit Hindi Mo Crush Ang May Crush Sayo? –
Mas magandang pakinggan. Para bang ikaw ang totoong bida, ikaw ang pokus ng
istorya. Ang taray mo! Bakit hindi mo itanong sa sarili mo, nang hindi ka
malugmok sa kalungkutan, na kaysa ikaw ang humahabol, ikaw nalang ang
hinahabol.
Mas ayos
sana, ano? Kasi at least, mutual. May pagkakaintindihan. Hindi mo na kailangan
maghanap ng crush, kasi andiyan yung may crush sayo. Siya nalang. Pero hindi
kasi ganoon kadali yoon (ayon sa mga kaibigan).
Bakit nga ba?
Simple. Una
sa lahat, baka hindi moa lam. Hindi mo naman pwedeng tanungin lahat ng tao kung
may crush sila sayo, hindi ba? Ang landi mo na, nagmukha ka pang desperado.
Paano mo naman magugustuhan ang isang tao kung hindi niya alam ang iyong
nararamdaman?
Pangalawa,
super close kayo na barkada ang tingin mo sa kanya. At hindi na lalagpas doon.
Umabot na sa puntong nadidiri ka iisipin mo palang na halikan siya, which leads
us to the third reason, brotherhood/sisterhood. Sa sobrang malapit kayo sa
isa’t-isa, parang kapatid na ang turing mo sa kanya.
Hindi ka makapag-isip ng
malisya. Hindi ba nakakadiri naming kung karelasyon mo ang kapatid mo?
Pang-apat?
Baka naman matanda na. Sobrang laki ng agwat ng edad niyo at iniisip mo na pag
nalumpo siya, ayaw mo alagaan. At mauuna siya tumanda sayo. Sino ba naman gusto
ng amoy lupa? Para kang humahalik sa lupa, hindi ba? Ang magandang halimbawa
diyan, ay ang mga bossing mo sa trabaho. Si super lolo, type si Baby Rocket.
Naku! Patay tayo diyan. Although meron naman talagang nagkakagustuhan sa
gantong sitwasyon.
Panglima,
palabiro! Puro nalang biro! Hindi mo malaman kung seryoso ba o nagbibiro! Sana
naman aminin mo ang totoo. Yung siguro kayo lang dalawa. O kaya, i-text mo
siya! Eto ang kinalakihan ko. Siguro kaya no-boyfriend-since-birth ako.
Anyway, let’s
not talk about yours truly.
Pang-anim!
Akalain mo, umabot nako sa pang-anim. Isang upuan lang pala sa akin tong blog
na ito. Iba talaga ang nagagawa ng SanMig Apple sa akin. To think, I still have
to work this morning when I was making this. And I have yet to write my letter
of intent kasi lilipat na ako ng department sa trabaho.
Anyway, eto
na talaga ang pang-anim, ang pinakamasakit sa lahat, walang “isprikitik fantastic”, walang “zewtzewt”. Nagets mo na ba? Walang
Meralco. Walang spark. Masakit to, in fairness, kababae kong tao, nasabihan ako
nang ganto sa sulat. At ang sulat na yun ay dapat puro positivities, good
lucks, wish-you-all-the-best kinds of letter. And to tell you, I don’t give a
fuck on what he thought of me. Basta nalang niya sinabi sa sulat na yon. Wala
din naman akong sinasabi na crush ko siya o patay na patay ako sa kanya, ewan
ko ano pumasok sa isip ni kuya. Bigla nalang siya nag-feeling. Alpakapalmuks
ang tamang termino sa kanya. Feeling niya siguro siya lang ang lalaki sa mundo
na dapat kong ibigin. Wow! Ako, iibig?! Parang bago to ah.
Anyway, as
I’ve said, let’s not talk about the blogger. I don’t have plans in putting my
relationship status in public. I am a very private person. Wow, parang VIP!
Walang spark,
walang chemistry, or baka wala naring biology at geology? Baka bobo sa Science?
Simply because, you don’t like him or her. It’s not that you really don’t like
him or her, parang wala lang talaga. Plain. Boring. Flat. Parang flat worms
lang. Parang ang relasyon niyo ay daanan at tao. Hindi naman naiisip ng tao na
sobrang importante ng daanan, wala lang sa atin diba. Naglalakad na hindi
iniisip baka may nararamdaman yung lupa sa atin. And weird nun ah.
Pero sa totoo
lang, I think everybody deserves a chance. We live in a modern world. We have
to adapt in some ways. Kahit na sabihin mong Maria Clara ka, hindi moa lam
malandi pala siya. Kaya pala naligo si Maria Clara sa ilog ay para akitin ang
mga prayle? Hindi natin siya talaga kilala. Hindi magandang maging modelo ng
isang dalagang Filipina ang isang kathang isip. Malay mo, ang pagkakaiba lang
natin sa kanya ay ang baro’t saya niyang kasuotan? Tayo, naka mini skirt at
sleeveless. Hindi ba sabi sa Modess, “Makabagon Filipina”. Hindi na daw uso ang
dalagang Pilipina. Believe me, I’ve tried it and see where it got me? Nothing.
This one’s for girls, I’m not saying to take it to the next level, lumandi ka.
I mean, not all the time boys have to be boys and dapat sila ang lumapit. Hindi
rin naman nila alam kung gusto mo sila. Baka natatakot o napapangitan sa
sarili. Sabi nga nila, magpakita ka rin ng motibo para alam nila ang gagawin.
For guys
naman, huwag maghesitate at huwag din maging makitid ang utak. Mahilig tayo
lahat manuod ng American movies, at nakikita natin doon, mas malalandi ang mga
babae. Talagang lalapitan ka at kukunin ang number mo, dito, pahirapan! Konting
galaw ng babae malandi na. Modern to, baka may mga alien sa paligid natin hindi
natin alam. Bakit napunta sa alien?
Anyway, ayon,
for everyone, try and try and pray. Natatawa ako habang sinisingit ko ang
salitang pray. Kasi totoo nga naman na kailangan ipagdasal mo rin ang taong
para sayo kung gusto mo na magkajowa-ers.
Hindi ko alam
paano tapusin to pero ganto nalang.